Enter your keyword

A old-new blog about random pursuits of a work-from-home mom.

Thursday, July 20, 2017

Humblebrag

Medyo nakakapagod mag-blog at umingles so mag-"Taglish" (Tagalog-English) na lang muna ako (nakakaumay ng very light eh). Anyway, ayun na nga. Matagal ko na 'tong gustong i-post sa Facebook eh, para masampolan yung mga mahilig maki-uso at mga "humblebrags". Kaso, mga walls nila iyon, and they're free to post whatever they like. Sino ba naman ako para punahin sila, di ba? Pero, alam mo yun (sorry na, nega ako today)? I mean, I am also free to express my thoughts about so many things, right? Kaya dito ako maghihimutok, kasi ayokong may makaaway at masabihan ng maangas/mayabang at kung anu-anong masasamang adjectives. I already look like a heartless bitch, so okay na ako don (saka andun sa Facebook ang family ko. Baka i-disown na nila ako 😂).

Ayan, so bakit ba ang laki ng problema ko? Eto kasi yun.


'Di ba kayo nauumay kung makita nyo na lang lagi yang mga hashtags na yan? They look "innocent", Godly, even. But then, ang kasamang picture, kung hindi bagong shoes, pagkain na either may kasamang tissue na may tatak nung mamahaling restaurant or kita yung karatula ng resto. Samahan pa ng pagka-haba-habang caption--minsan pa-deep na quotes, minsan Bible verses (anong konek?!). Masyadong obvious na pasikat, mga beshy. Wakebs ako sa mahal na food or bagong gamit. Hindi ako naiinggit or bitter. I have a job, I can dine in fancy restaurants, buy other stuff, even travel. Yes, it's their hard-earned money (or their parent's or their spouses', siblings', kung kanino pa man--wag lang inutang, ibang usapan na yon). But my point is that, hindi lahat eh gustong malaman ang ganap sa buhay ng iba. In short, walang silang pake (ay kami pala-- 'coz I don't fucking care).

Nakakatawa pa nga yung may pag-post ng mga gamit na bigay sa kanila, at i-ta-tag ang nagbigay para mag-thank you. Naintindihan ko naman na they're grateful. Pero hindi ba pwedeng pasalamatan na lang kung sino ang dapat pasalamatan gamit ang private messaging? Mas lalong bongga yung magkasama lang sa bahay or magkatabi lang tapos i-po-post pa? OMG te. People are not naïve para hindi makita ang intensyon na gusto lang talaga magyabang dahil may bagong gamit.

Sa panahon ng social media, censorship is a thing of the past. I'm not going to call those people out. Hindi ko kaanu-ano ang ilan sa kanila (I'm not their mother) at lalong hindi ako diktador para sabihin kung ano yung dapat at hindi dapat ipinopost. And besides, I'm just a nobody. Sana lang, ma-gets nila, that most people on Facebook have their own lives too, and that they have their own shit to deal with. But they don't post everything. Bakit? Kasi may mga bagay na hindi na dapat ipinangangalandakan sa publiko. Hindi kelangan malaman ng madla kung ano ang ginagawa, binibili, pinupuntahan at kung anik anik na ganap. Ano bang makukuha kung madami mag-like? Sisikat ba? Wala naman din magandang mapapala eh. Nothing beneficial, if I may add. Nakaka-boost lang ng ego. Unless they're social media marketers who are trying to promote something or if sharing posts that tackle relevant issues sa bansa, sa community, or kung saan man, syempre ayos ako dyan.

Ayan, actually, nag-ra-rant lang ako. I don't mean to hurt anyone's feelings (kaya ako dito sa blog nag-post). Kaya nga ba hindi ako madalas sa social media eh. Sa totoo lang, yung mga may pa-epek na ganyan in-unfollow ko na. Nakakasuka lang, may nag-e-evolve na hindi naman dating ganon, pero nahahawa na. Na-obserbahan lang naman, at hindi ko naman nilalahat.

Now, don't tell me to chill out, though. Haha. This is my way of doing it. Kanya-kanyang style lang, bes. Kung gusto mong umangal, game! May comments section sa baba ng post na 'to.

No comments:

Post a Comment