Skip to main content

Bakit Nga Ba Ko Nagba-blog?


So anong ka-dramahan to? Ayon, Semana Santa na ulit ngayong 2018. Nagba-blog pa din ako kahit hindi na ganun kadalas. Pero bakit nga ba ako nagba-blog? Ako lang din naman ang nagbabasa (I think). Gumagastos ako para sa domain (although yearly lang naman). Pero ano nga ba napapala ko dito? Ano'ng kahibangan 'to? Sayang oras, etc. Okay, ang dami tanong. Pero, eto lang naman: 

Sa totoo lang, college pa ko non eh, nung nauso 'tong Blogger (oo, matanda na ko). Nagtry lang naman baka sakaling matuwa ako. Eh yun, natuwa si bakla, kaya ayan may chenes kunwari ako na blog dati. Kaso nakalimutan ko na nga. And I didn't really write much that time, so ayos lang. Hindi ko din masyadong dinibdib, kase, marami rin akong ganap nun. Hindi rin naman ako magaling magsulat.

Ganun pa man, hindi naman ako naghahangad na maging sing galing ng iba kong classmates noon. Hindi rin naman ako nangarap na magsulat sa school paper or nangarap na maging journo dati. Basta nakakasulat, okay na ako don. Wala akong nakukuha, maliban sa may nakakabasa na maaaring kagaya ko ng idea or naghahanap ng ibang konsepto. Masaya naman ako sa ganun lang. Hindi naman sa nagpapaka-bayani ako or kung ano pa man. Nakakatuwa lang na may napupulot ang iba sa mga sinusulat ko.

Syempre, extra na lang yung sa AdSense at wala pa naman ako talagang nakuha doon. Nagkataon lang na sinubukan ko mag-apply. Na-approve naman. Pero, hindi ko pa alam kung papano ko syang palalaguin at mapapakinabangan. For now, magsusulat lang muna ako, kung kailan pupwede. And ang point ko lang naman talaga dito, eh yung nakukuha ko out of it: the joy of sharing what I know and what I've experienced.

Ikaw? Kung nagba-blog ka, bakit mo sya ginagawa? Papano ka nagsimula? 

Comments